Naging Hadlang Ka Ba Sa Kaligayahan ng Kaibigan?

Naranasan mo na bang maging hadlang sa kaligayahan ng yong kaibigan?
Yon bang di mo nman sinasadya, at di mo namamalayan?
Minsan sa magkakaibigan naranasan natin 'to dahil sa matagal
na ninyong pagbabarkadahan at magkasama sa halos lahat ng lakad.
Pero, may pagkakataong gusto din naman nila maging kakaibang saya
tulad ng siya at ang mahal na kasintahan niya. Minsan pumipili
din ng puso kung san tlaga masaya. Oo, masayang kasama ka bilang kaibigan
bilang katropa. Nagagalit at nagtatampo ka, pero di mo alam nasasaktan na rin
ang kaibigan mo. Di ba wala kang kamalay-malay na minsan nakakahadlang ka na?
Ayaw ng isang tao na mawala ang kaibigan nya at lalong-lalo na ang mahal nya.
Kailangan pa bang mamili siya ng sasamahan na alam mo namng pareho kayong
importante sa buhay nya? Isang ka-tropa at isang pinakamamahal na kasintahan.
Kailangan mo lng lawakan ang iyong isip at Respeto sa kasiyahan ng isang ka-Tropa
o matalik na kaibigan. Hindi dahil kasama siya ng mahal nya ay nalilimutan ka na nya.
Di ba ikaw ay nagmahal din? Kung ang yong kaibigan naiintindihan ka nya, dapat mo rin
siyang intindihin. You're both growing up di na kayo dating paslit na pag-nawala ang
kaibigan saglit iiyak ka. May kanya- kanya ng dumarating na iba't-ibang kasiyahan sa inyo.
Kaya minsan isipin mo kung may nagawa kang hadlang sa kaibigan mo o sa iba.
Isa lng ibig sabihin nito, You're in the midst of Jealous!
Natural lang 'to mahal mo kaibigan mo at di ka niya pwedeng iwan dahil
espesyal kang tao sa kanya. :-)

 

 
 
 



Comments

Popular Posts