PANDEMIC: Lumaban Ka Kabayan! (rheygrande)

Sa kasalukuyan, lahat sa buong mundo nakakaranas ng matinding pagsubok sa taong ito. Maraming nakakaranas ng kawalan ng trabaho, tag-gutom at depersiyon. Lahat ay hindi nakakaligtas sa pandemyang kumakalat sa mundong ito. Naging dahilan sa iba ay magpapatiwakal na lamang upang matapos na nila ang takbuhin sa buhay. Bagkus, ito'y malaking kasalanan sa Panginoon ang hakbang na ginawa nila sa kanilang buhay. Sila iyong mga taong nawawalan na nang pag-asa na maging maayos pa ang lahat. Mga taong kulang sa pananampalataya sa Dakilang Lumikha ng lahat. 

Isang naging dagok sa buhay ng lahat  sa mundo ang maranasan ang problemang ito. Maraming nagtatanong kung kailan ba matatapos ang lahat ng ito. 
Kailan nga ba? Ilan pa bang buhay ang mawawala? 
Ilang buwan pa ba na maging ganito ang mundo? 
Paano pa makakayanan ang sitwasyong ito?
Walang makakasagot na sinoman sa mga katanungang ito. Kung hindi maging matatag lang ang lahat at sama samang Manalangin sa Panginoon upang lahat ay palakasin at wag mawalan ng pag-asa sa buhay.

Maraming kababayan sa buong panig ng mundo, na mas malubhang nakakaranas ng depresyon sa panahong ito. Maraming nawala na din dahil sa pagdapo ng pandemiyang ito. Nawala sila na hindi man lang nasisilayan ng pamilya at kamag-anak sa huling sandali ng kanilang buhay. Hindi natin hawak ang hiram na buhay natin kaya tayo ay magsiingat at huwag lumayo ang loob sa Panginoon.

Sa panahon ngayon, lahat ng tao sa buong mundo ay apektado, mayaman man o mahirap nakakaranas ng pagsubok na ito. Siguro ito na ang sinasabi na wala sa yaman o isa kang tanyag na tao sa panahon ngayon walang exemption si Pandemic. Ang kailangan ng bawat isa ay magkaisa sa Panalangin upang ito ay mapuksa. Iisa lang ang dapat nating malapitan sa panahong ito kung hindi ang Panginoon lang na Makapangyarihan sa lahat.  

Bakit nga ba may kumikitil sa sarili nilang buhay?
Ito ay sa kadahilanang nagkulang sila sa paniniwala sa Panginoon. Nawalan sila tiwala na ang tanging sandata sa panahon ngayon ay ang Panalangin na taimtim sa Lumikha ng Lahat. Kabayan, gumising ka!

Hindi katapusan ang lahat upang ikaw ay sumuko. Hindi katapusan ang lahat upang hindi mo na maabot nag mga mithiin at pangarap sa buhay. Masarap pa mabuhay, masarap pa magmahal, masarap pa makasama ang mga kaibigan  at higit sa lahat masarap pa makasama ang mga mahal sa buhay. Lumaban ka Kabayan, kaya mo yan kasama ang Panginoon. 

Comments

Popular Posts