Kailan Pa Kaya? (YehrGrande)

Luhang umaagos na di mapipigilan
Hindi alam kung anong dahilan.
Bakit nga ba may lungkot?
Bakit nga ba may sakit?

Sa bawat patak ng luha 
Dama ang sakit na nadarama.
May hahaplos pa ba?
May yayakap pa ba?

Sa bawat pintig ng puso
May kirot na sumisilakbo.
Sa bawat pagtangis 
Haplos ang maglilinis.

Kailan pa kaya ang araw na iyon?
Na ang yakap ay mahagkan.
Mistulang isang imahenasyon
Na wala man lang destinasyon.

Milyang distansya kailan maging isang talampakan?
Ng mapawi ang lungkot at mahagkan.
Na maipadama ang pintig ng puso
At wala ng damdamin na  magsusumamo.

Halika na abutin na ang pangarap
Na maging maligaya sa hinaharap
Mamuhay na wala ng paghikbi 
Sabay na abutin ang minimithi.

Mahal, kailan na ba magsisimula?
Sa panibagong yugto ng pahina?
Pahinang magkasamang masaya
Walang lungkot at puro na ligaya.

Masarap mabuhay na magkasama
Haraping magkasama ang problema
Maipadama ang tunay na halaga ng pag-ibig
Na kahit sino man ay walang makakapagpabuwag.

Comments

Popular Posts