CORRECTION PEN ( by: WonderWoman)
Bakit nga ba mahalaga ang correction pen? Kasi sa bawat pagkakamali nating naisusulat ito ang kailangan natin para maitama ang mali. Yong maling isinulat natin na di muna nag-iisip ng ilang beses bago ito ilagay sa papel. Pero, sa bawat pagkakamali natin may bakat pa rin ito sa papel,di po ba?. Pero pagnasulatan na ito ng tamang salita. Na tinakpan na ng correction pen, ay makakalimutan na rin ang maling nailagay dito. Pero kailanman di mo nalimutang may mali kang ginawa at ito ay isang leksyon sayo na bago sumulat kailangan isipin muna kung tama o mali ang ilagay mong salita o letra.
Parang sa desisyon din yan sa buhay eh. Kailangan mo ng taong magtatama sayo para malaman mo na may mali ka palang naging desisyon. Minsan nakakagawa tayo ng isang kamalian dahil sa di muna tayo nag-iisip kung ito ba ay nararapat o hindi. Oo, tao lang tayo na pabugso bugso ng damdamin. Minsan di natin naiisip na sa mga biglaang pagdesisyon ay kapahamakan ang kababagsakan. Kaya kailangan natin may tao sa buhay natin upang gisingin tayo sa naging mali natin at maitama ito. Sila ang correction pen ng buhay natin. Sila ang mga totoong kaibigan na maituturing natin. Sila yong mahal natin sa buhay na di ka iiwan kahit may nagawa kang mali pero patuloy ka pa ring mamahalin ,aalagaan, protektahan, at itama ang mga mali.
Kaya pahalagahan mo ang mga taong naging correction pen ng buhay mo. Dahil sila ang totoong nagmamahal sayo at di ka iiwanan sa kawalan. Minsan lang sila dumating sa buhay mo, na kaya kang intindihin sa lahat ng pagkakamali mo. Kaya huwag mo silang iiwanan tulad ng di nila pag-iwan sayo.
Ikaw? May correction pen ka din ba sa buhay mo? Na di ka iniwan at kaya kang ipagtanggol sa anomang nangyayari sa buhay mo? Nakaya kang itama sa lahat ng kamalian mo? Kung meron, huwag mo silang bibitawan,pahalagahan mo sila.
Comments
Post a Comment