May Isang Ikaw (Baby)

Nakikita niyo ba ang lalaking yan?
Opo siya, siya lang naman ang taong ginusto ko.
Siya yong taong minahal ko ng lubos,
Siya yong taong nagpakawala ng aking lumbay.
Opo, siya ang ibinigay ng Dios para maging kabiyak ng puso ko.
Siya ang taong minahal ako ng lubos.

Siya ang nagbigay ng ligaya sa buhay kong may hinagpis.
Siya ang taong kailanman' y aking iibigin.
Di ko hinangad ang perpektong tao sa buhay ko,
Ang dinadalangin ko ay ang taong kaya akong mahalin ng buong puso.
At Ikaw yon aking Baby, salamat sa buong pusong pagmamahal.
Salamat na may ikaw na may magandang puso.

Pangako ko di kita iiwan, tulad ng sinabi mong di mo ko iiwan.
Magmamahalan tayo ng naayon sa kalooban ng Maykapal.
Dahil sabi natin God is always in the center of our Love".

Baby, maligayang dalawang buwan. Di lang sa bawat petsang ito ay mahalaga sa akin.
Sa bawat segundo,
Sa bawat minuto,
Sa bawat oras,
Sa bawat araw,
Sa bawat linggo,
Sa bawat buwan,
Sa bawat taon,

At sa bawat pagdagdag pa ng mga taon.
Narito lang tayo lagi kumakapit sa ating pag iibigan.
Walang katumbas ang ligaya dito sa puso ko na may isang Ikaw na Minamahal ako at Minamahal ko.

Comments

Popular Posts