Dear Future Husband Superman,

Maghihintay ako sa araw ng ating pagkikita. Maghihintay ako sa araw na maglapat ang ating mga bibig, upang damhin ang ating pagmamahalan. Maghihintay ako sa araw na mahagkan ang init ng iyong pagsinta. Pinapangarap ko na makapiling ka sa habang panahon. My Future husband, magbubuo tayo ng masasayang alaala kasama ang mga supling na ating inaasam asam. Mangangarap na may pagmamahalan. At sa bawat pangarap na yon ating tutuparin. My Future Husband, magmamahalan tayo ng habang buhay, mga pangakong tutuparin na buong puso. Mamahalin kita ng buong buo,mamahalin ko ang mga mahal mo sa buhay. Mamahalin natin ang isat isa. Walang magbabago dahil ang pagmamahal na ito ay hiniling ko na sa Maykapal.

Love,
Your Future Wife.
Wonderwoman❤❤❤

Comments

Popular Posts