Ukit ng Kamay ni Itay (Rhey Grande)

Mula pagkamusmos iminulat kami,
"Na ang karunungan ay wag iwaksi.
Bagamat ito ay pakaiingitan,
Sapagka't ito'y maipamana sa paglipas ng panahon.

Taglay na karunungan ating alagaan,
Huwag ipagmayabang kung kailangan.
Ang gawa ng kamay ay lakipan ng puso,
Huwag mapagmataas o ikalalaki ng ulo.

Ang taglay na karunungan ay pansamantala lamang,
Ito ay isang hiram mula  sa kalangitan.
Lahat ng bagay sa mundo ay mapaparam,
Kaya sa mga bagay na taglay mo ay wag maging sakim".

Mga salitang ito laging sambit ni itay,
Sa kamusmusan namin laging nakaantabay.
Namulat sa simpleng pamumuhay,
At matatapang harapin ang lumbay.

Sa mga kamay ng itay kami ay nabuhay,
Sa ukit ng kamay, nakamit ang tagumpay.
Sa kamusmusan nahubog sa pang-uukit,
Upang sa paglaki'y hanapbuhay ay maakit.

Sa ukit ng kamay ni Itay ay nagtagumpay.
Salamat Itay sa pamanang kamay.
Ito ay nagamit sa matinong pamumuhay.
Ipagmamalaki ka habang kami'y nabubuhay.

**inspired by father's love**😊


Comments

Popular Posts