Pagmumuni-muni (By: Rhey Grande)

I:
Luhang umaagos sa pisngi na di mapipigilan,
Luhang biglang tumutulo  na walang kadahilanan.
Ito ay likas na yata sa ating mga nakipagsapalaran dito sa ibayong dagat,
Tanging apat na sulok ng ating silid ang siyang saksi ng nadaramang lungkot.

II:
Hanggang kailan tayo magsasakripisyo sa bansang hindi atin?
Hanggang kailan tayo magtitiis sa bansang estranghero sa kanilang paningin?
May pag- asa pa bang tayo naman pagsilbihan ng mga bansang ito?
May darating pa bang pag-asa para tingalain naman nila ang sambayanang Pilipino?

III:
Darating din ba ang panahon na di na kailangan mangibang bansa?
Kung meron mang pag-asa?
Ang tanong ko, kailan iyon?
Kailan mabigyan katuparan ang mga hiling natin?


Comments

Popular Posts