Hangin
Minsan ba nasasabi mo na rin sa sarili na sumuko na lng sa buhay?
Yung pagod na pagod ka ng mamuhay
Yung feeling mo nag-iisa ka lang sa mundo,
Walang karamay sa bigat mong pasanin dito?
Yung gusto mo na lang tumigil ang pintig ng puso?
Yung akala mo kaya mo pero hindi pala.
Wala kang masasabihan ng problema.
Dahil natatakot kang sambitin kahit kanino,
Kasi ayaw mong makarinig ng mga salitang negatibo.
Iniisip mo na mas lalo ka pang ilulugmok pababa.
Sino ba talaga ang pwede mong matakbuhan at makausap?
Sarili mo na lang ba ang tanging mahagilap?
Nakakapagod na, nilalamon na ang mundo ng madilim na ulap.
Hihintayin mo na lang ba ang malakas na buhos ng ulan para anurin ka papalayo?
Doo'y wala ng iba pang makakakita sayo.
Wala nang may manghushusga wala nang mangungutya.
Ang tanging mga alaala mo na lamang ang maiiwan sa kanila.
Paano ka ba babangon kung wala ka ng makakapitan pa?
Paano ka pa maging malakas kung wala ng nagpapalakas sayo?
Paano ka pa lalaban kung wala na ang ipinaglalaban mo?
Kaya mabuti pang itigil na ang mundong nilalakbayan.
Hayaan mo ng lang sumabay ang kaluluwa sa ihip ng hangin.
Hangin na hahaplos sa mga taong naging parte ng buhay mo dito sa mundong sinilangan.
Ngayon ikaw ay isang hangin na lamang nadadampi sa kanila.
Ikaw ay malaya na sa pagsubok at tiisin, nakapagpahinga ka na.
Comments
Post a Comment