Ang Bag at ang Sarili (Rhey Grande)
Habang ako ay nakahiga sa aking kama at nanonood ng horror movie. Napadako ang balintataw ko sa bag na nakasabit sa dingding. Bigla akong nag-isip ng malalim. Nagtatanong na kung ihahantulad ko kaya ang bag sa sarili.
Ito ang nalikha sa isipan ko ang bag ay aking sarili.Bakit ko nahahalintulad?
Ang bawat sarili ng tao ay tulad ng isang bag na maraming itinatago sa loob na ikaw lang ang nakakaalam na kung anoman ang mga ito. Pero minsan ,Kaya mo tong pahawakan sa iba doon sa alam mong mapagkakatiwalaan .At pwede mong pagsabihan ng nilalaman nito. Pero ano - ano nga ba ang mga halimbawang laman nito na laging nasa loob ng bag?
Lipstick? Para san ito? Ah, sa bibig ito nilalagay. Ano ang kaugnayan nito? LIPSTICK ay nahahalintulad sa bibig ng tao. Sa katagalan at laging ginagamit namumudmod o lumiliit o nauubos. Kapag ang isang tao lalo na at babae pag di nya maayos o lilimitahan ang paggamit ng bibig sa pag- aalipusta o pag- uusapan ang kapwa nya madaling iiksi buhay nya o kaya'y mawawalan siya ng kaibigan na di na siya kayang intindihin.
Ano naman kaya ang kahulugan ng PULBO na nasa loob ng bag? Ito ay tinatakpan ang mga di kaayaaya sa paningin na nasa tingin ay kailangang itago. Ibig sabihin , ito ay Pagbabalat-kayo. Bawat tao marunong magbalatkayo, sa kabila ng ngiti na nakikita sa kanila ay naging kabaliktaran nito ang paghihinagpis, paglulumo,pagkasawi o kalungkutan sa buhay. May iba naman kaplastikan sa kapwa nila.
Pero, ANG pinakaimportante sa naisip ko na laman ng bag ay BALLPEN. Bakit? Laging dala dala ng tao sa bag nya ito. Dahil ito ay isang pagdiDESISYON. Kapag ang ballpen ay naisulat na at ikaw ay nakamali di mo na madaling burahin pa. Kaya sa pagdesisyon sa buhay kailangan bago ito gawin o isulat sa buhay mo pakaisipan muna ng maigi. Gaya ng kamalian o pagsakit ng damdamin sa kapwa mo. Di mo ito maibubura kahit kailanman. Kaya hanggat may pagkakataon ka pang mag isip na gamitin ang ballpen ng buhay, ayusi ang paggamit nito. Hanggat may hawak kang ballpen kailangan ay kaya mong magdesisyon sa buhay mo na walang nasasaktan na iba. Di na tayo batang paslit na ang tanging hawak ay lapis na kayang burahin ang pagkakamali.
"Pakahalagahan ang mga taong nasa paligid mo."
Comments
Post a Comment