Muling Pagtibok ng Puso


Sa mahabang panahong pinigilan kong tumibok ang puso. Naging manhid sa salitang MAHAL. Naging mailap sa mga lumalapit. Naging Manhater. Naging Gun Lover. Dahil ayoko nang mangyari pa muli ang nakaraan. Yong nakaraang pinaglaruan ka ng tadhana. Nakaraang paulit- ulit kang sinaktan. Takot nang magmahal at tumibok muli ang puso.

May isang taong muling nagpatibok nito. Pero pilit mong pinipigilan ang nararamdaman mo. Iniisip na di na dapat pangtumibok muli ang puso. Sa pangambang mga tanong na , kaya ko na bang magmahal muli? Mahal din ba niya talaga ko? O isa lang akong fantasy ng buhay niya?

Pero, isinugal ko ulit ang puso ko. Tinanggap ko ang hamon ng pagmamahal. Kako, handa na ko harapin ulit kung anoman ang mangyayari. But, I kneeled to God that no matter what will happened don't leave me alone. At ito na rin ang huling sugal ng puso.🙇☺

Comments

Popular Posts